Ilang Barangay Tanod sa Luna, Nagsanay Upang Mapabilang sa Rescue Team

Luna, Isabela – Kasalukuyan ngayon ang ginagawang pagsasanay ng ilang barangay tanod sa bayan ng Luna, Isabela upang mapabilang sa rescue team.

Ayon kay Mayor Jaime N. Atayde, layunin ng pagsasanay na magkaroon ng isang permanenteng rescue team ang bawat barangay sa kanilang bayan.

Aniya kinakailangang maging handa ang bawat barangay sa Luna sa anumang uri ng sakuna lalo na umano at papasok na ang tag-init kung saan tataas na naman ang bilang ng mga bibisita at magsasagawa ng mga summer activities sa mga ilog at dagat na nakagawian na ng karamihan sa mga pinoy.


Ayon pa sa alkalde, ang naturang aktibidad ay isang pormal na pagsasanay kung saan bawat barangay ay may limang representante at magkakaroon ng dalawang grupo.

Ang nasabing training ay pinangunahan naman ng Drowning Accident Rescue Team o DART ng lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments