Mahigpit ang koordinasyon ng mga paaralan sa mga barangay council ukol sa usaping pagbabantay at pagpapanatili sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa kabila ng naglipanang bomb threat.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa pamunuan ng Minien Tebag Elementary School, matagal na umanong nakadeploy ang mga tanod dagdag pa ang mga personnel ng MDRRMO at iba pang ahensya matapos ang natanggap na bomb threat kamakailan.
Sa mga ganitong pagkakataon, awtomatikong kanselado ang klase at agad pinapauwi ang mga mag-aaral bago ang mabusising imbestigasyon ng awtoridad.
Nakasaad sa DILG Memorandum Circular No. 2205-072, ang kaukulang deployment ng nga tanod sa mga paaralan upang magmando ng trapiko at nagpatrolya sa bisinidad.
Kamakailan, apektado ang operasyon ng ilang malalaking paaralan sa Pangasinan matapos makatanggap ng bomb threat online. Bukod sa bomb search, puspusan din ang imbestigasyon ng awtoridad upang matukoy at mapanagot ang mga responsable sa pagpapakalat ng bomb joke. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









