Nagpadala na ang Pilipinas ng Coast Guard vessels sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea (WPS), bilang pantapat sa namataang 135 na Chinese maritime militia vessels.
Sa programang bagong Pilipinas ngayon, inihayag ni National Security Council Director General Jonathan Malaya, na sa bagama’t hindi na bago ang pagdagsa ng Chinese vessels sa lugar, nakakaalarma pa rin ang kanilang bilang.
Ito kasi aniya ang pinakaramaraming bilang na kanilang namataan sa West Philippine Sea.
Kaya naman ayon kay Malaya, nagpasya na ang National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) na ipaalam sa publiko ang swarming incident na ito.
Pinaigting rin ayon kay Malaya ang maritime domain awareness, sa pamamagitan ng pagpapadala ng puwersa ng Pilipinas sa lugar para ipakita ang protesta at pagtutol sa ginagawa ng China.