Ilang barriers sa Maynila, nasira matapos araruhin ng isang taxi

Wasak ang ilang barriers nang araruhin ng isang taxi sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue, Ermita, Maynila.

Pasado ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang aksidente na kinasangkutan ng 62-anyos na lalaki na agad namang naisugod sa ospital matapos na makaramdam ng sakit sa balikat.

Maswerte namang walang pasahero ang nasabing taxi nang maganap ang aksidente.


Makalipas ang mahigit 30 minuto, agad ding naalis ang taxi mula sa kalsada.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting damage to property ang driver ng taxi.

Facebook Comments