Nakapatala rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng pinsala sa ilang lugar sa Cagayan bunsod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra kagabi.
Sa inisyal na ulat ng ahensya, dalawang imprastraktura ang nasira sa bayan ng Allacapan habang dalawang kalsada rin ang nakitaan ng mga bitak.
Dalawang bahay naman ang nasira sa Aparri.
Nakararanas din ng power interruptions sa Allacapan at Gattaran.
Una nang napaulat ang pagguho ng tore ng Iglesia Filipina Independiente sa La Paz, Abra.
Samantala, bukod sa Abra, kanselado na rin ang pasok ngayong araw sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at Bontoc, Mountain Province.
Facebook Comments