ILANG BAYAN SA ISABELA, HUMAKOT NG PARANGAL SA ATOP

CAUAYAN CITY – Humakot ng parangal ang probinsya ng Isabela bilang 2nd Runner-Up sa Best Tourism Week Celebration sa 2024 Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) na ginanap sa Koronadal City, South Cotabato.

Sa kabilang banda, nakamit naman ng Lungsod ng Cauayan ang panalo bilang Best Tourism Souvenirs dahil sa Gaddang beadwork at weaving na handog ng lungsod.

Nakuha rin ng Cauayan ang unang pwesto sa Best International Event Hosting para sa International Smart City Exposition and Networking Engagement (ISCENE), at ikalawang pwesto bilang Best Sports Tourism Event, Best Practices on Sustainable Tourism, at Best Practices for Community-based Tourism.


Ang Echague naman ay pinarangalan bilang 2nd Runner-Up sa Best Institutionalized Program for Culture and Arts dahil sa Rat-Rattan Expo bilang pagpapanatili at pagpapalakas ng industriya ng rattan sa nabanggit na bayan.

Samantala, nasungkit ng lungsod ng Santiago ang ikalawang pwesto sa Best Tourism Month/Week Celebration City Level dahil sa makulay at masayang pagdaraos ng mga pista na nakakapagpalakas ng turismo sa Santiago.

Facebook Comments