Magkakaroon ng power interruption sa ilang bayan sa La Union at Pangasinan sa darating na Sabado, Enero 17, 2026, mula 6:30 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi, ayon sa anunsyo ng La Union Electric Cooperative, Inc. (LUELCO).
Apektado ang mga bayan ng Caba, Aringay, Agoo, Tubao, Pugo, Sto. Tomas, Rosario, at ilang bahagi ng Bauang sa La Union, pati na rin ang bayan ng Sison sa Pangasinan.
Ayon sa LUELCO, ang power interruption ay para sa reconductoring ng Bauang–Sta. Rita 69kV line segment.
Binanggit din ng kooperatiba na maaaring matapos ang trabaho bago o pagkatapos ng nakatakdang oras kaya’t pinapayuhan ang publiko na isaalang-alang na maaaring laging may kuryente ang linya para sa kanilang kaligtasan.
Facebook Comments








