Ilang bayan sa Negros Occidental, Soccsksargen, nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño

Nadagdagan pa ang mga lugar na nakasailalim sa state of calamity bunsod ng El Niño.

 

Nitong Lunes, nagdeklara na rin ng state of calamity ang bayan ng San Enrique sa Negros Occidental.

 

Hindi na makapagtanim ang mga magsasaka sa lugar dahil sa kakapusan ng tubig habang natutuyot na rin ang mga palaisdaan.


 

Umabot na sa P9.9 million ang iniwang pinsala ng El Niño sa nasabing sektor.

 

Samantala, nagdeklara na rin ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño ang ilang lugar sa SOCCSKSARGEN.

 

Ayon kay Office of Civil Defense 12 Spokesperson Joremae Balmediano, kabilang sa isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Alamada at Aleosan sa Cotabato.

 

Habang hinihintay na lamang din ng OCD ang resolusyon mula sa bayan ng Alabel sa Sarangani matapos na mag-abisong magdedeklara rin ng state of calamity dahil sa matinding epekto ng tagtuyot sa kanilang lugar.

Facebook Comments