Nakaranas ng pagbaha at landslide ang ilang bayan ng North Cotabato matapos bumuhos ang ulan sa nakalipas na mga araw.
Ilang Baranggay sa Pikit, Pigcawayan, Midsayap, Libungan ,Mlang ang nakaranas ng flasflood habang mga bayan ng Alamada at President Roxas ang nakaranas ng landslide. Samantala, isang residente mula sa Mlang ang naging sugatan at naisugod sa pagamutan matapos mabagsakan ang kanyang tahanan ng nabuwal ng puno habang naisugod rin sa ospital ang dalawang bata matapos mahulog sa ilog sa Makilala Area ayon pa kay Engr. Arnold Villaruz, Chief ng Operating and warning ng PDRRMO North Cotabato sa panayam ng DXMY.
Kagabi, ilang oras ring nastranded ang ilang motorista sa Highway matapos umapaw ang Bulatukan River sa Makilala.
Nagpapatuloy naman ang assesstment ng North Cotabato Government sa lawak ng agriculture land na maaring napinsala ng flashflood. At kung magkano ang iniwang pinsala nito.
Agad namang tinungo ni Governor Nancy Catamco ang ilang pamilya na naapektuhan ng flashflood, nagbigay na rin ito ng direktiba sa PDRRMO na aksyonan ang sitwasyon ng mga residente.
PGO North Cot Pics