ILANG BAYBAYIN SA PANGASINAN, DINAGSA SA UNANG ARAW NG 2026

Sa dagat agad ang takbo ng karamihan sa Pangasinense na sinamantala ang medyo makulimlim na umaga sa unang araw ng 2026.

Nadatnan ng IFM News Dagupan ang mga beach goers sa Lingayen Beach na kanya-kanyang puwesto na sa baybayin para mag-almusal, mag-ehersisyo, at pumasyal kasama ang pamilya.

Ang ilan, piniling sa dagat igugol ang pagbabakasyon at ituloy ang kasiyahan bago bumalik sa trabaho at eskwela.

Hindi rin magkamayaw ang mga sheds at espasyo sa Tondaligan Beach sa Dagupan City na dinayo rin ng mga beachgoers mula pa sa ibang bayan.

Sa parehong lugar, may mga nakaantabay na lifeguards upang tiyakin ang kaligtasan ng mga naliligo at maabisuhan na huwag lumayo upang hindi malunod-bahagi ito ng mga hakbang upang makamit ang zero untoward incidents sa mga baybayin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments