Nabiktima ng dikya o jellyfish ang nasa labing anim na beachgoers sa bahagi ng San Fabian Beach sa kasagsagan ng Holy Week, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
May Ilan ring beachgoers ang nabiktima ng Dikya, sa bahagi ng Binmaley.
Ayon kay Salome Mapanao, Operation Chief ng MDRRMO San Fabian, karamihan sa mga biktima ay mga batang hindi nakasuot ng tamang swimwear nang sila ay naligo sa dagat.
Aniya pa, kahit hindi panahon ng Holy Week—para sa mga bisitang beachgoers, kailangang magsuot ng rash guard at proteksyon sa katawan upang maiwasan na mabiktima ng dikya at maging iba pang insidente sa gitna ng pagligo sa dagat.
Samantala, wala namang naitalang kaso ng pagkalunod sa nasabing beach habang naging maayos ang buong linggong pagbabantay ng tanggapan sa koordinasyon ng iba’t-ibang sangay na ahensya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
