Ilang beauty products nagtataglay ng mercury, ibinabala ng FDA

Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na mag-ingat sa pagbili at paggamit ng cosmetic products na nagtataglay ng mercury.

 

Ayon sa FDA ang mga cosmetic products na nagtataglay ng mercury ay maaaring magdulot ng kidney damage, skin rashes, skin discoloration and scarring at kapag naipasa naman ng nagdadalang tao sa kanyang anak ang nakalalasong kemikal maaari itong magdulot ng abnormalities sa kanyang ipinagbubuntis.

 

Sa pagsisiyasat ng ahensya ang parley beauty cream at parley herbal whitening cream nourishing with avocado ng Khyber Chemical ay mayroong mataas na antas ng mercury content.


 

Paliwanag ng ahensya kung mayroon mang mercury ang isang produkto dapat ay hindi ito lalagpas sa 1part per million.

 

Kasunod nito pinapayuhan ng ahensya ang mga establishemento na huwag ibenta ang mga naturang produkto.

Facebook Comments