Ilang biktima ng lindol sa Central Luzon, nananatili pa rin sa evacuation area

Isang linggo matapos yumanig ang magnitude 6. 1 na lindol sa Central Luzon, nanatili pa rin sa mga evacuation centers ang maraming pamilya na naapektuhan ng lindol.

Ayon sa NDRRMC, sa ngayon ay 986 na pamilya o katumbas ng 3,771 ang nanatili pa rin sa 6 na evacuation centers.

Habang ang nalalabi namang 951 pamilya o katumbas ng 4,756 indibidwal ay inaayudahan naman sa kanilang mga temporary shelters.


Samantala, iniulat naman ng NDRRMC na umabot na sa P1,641,708 ang kabuong tulong na naipaabot na ng iba’t-ibang ahensya sa mga biktima ng lindol.

Sa halaga na ito, P1,421,995 ang napunta sa Pampanga habang ang P50,256 naman ay naibigay sa Zambales.

Sinabi rin ng ahensya na umakyat na sa 1,746, ang mga napinsalang bahay dahil sa lindol.

Facebook Comments