Hindi napakinabangan ng lahat ng mga public school teacher ang biniling laptops ng Department of Education (DepEd).
Sinabi ni Blue Ribbon Committee Chairman Francis Tolentino, batay sa datos mula sa DepEd, ang ilan sa mga laptop na para sana sa mga classroom teacher ay napunta sa mga non-teaching personnel.
Sa Region 1, ilan sa 25 laptops na naipamahagi roon ay ibinigay sa mga engineer, habang sa ilang probinsya sa Region 3, sa Antipolo at Tayabas Quezon sa Region 4A ay sa mga engineer, medical officers at dentista ibinigay ang laptop.
Sa Region 5, mga bookkeeper at cashiers naman ang binigyan ng laptop.
Giit ni Tolentino, ito ay pagsalungat sa intensyon sa pagbili ng mga laptop na para sana sa mga benepisyaryo na mga public school teacher.
Kahapon ay tinapos na ng Blue Ribbon ang imbestigasyon sa maanomalyang pagbili ng overpriced na laptops ng DepEd.