Ilang bisita sa Manila Memorial Park, hindi nagustuhan ang mga nakahilerang tarpaulin ng mga kandidato sa labas ng sementeryo

Pinuna ng ilang bisita sa memorial park sa Sucat, Parañaque ang mga nakahilerang tarpaulin at tolda ng mga kandidato sa entrance ng sementeryo.

Anila, hindi magandang samantalahin ng mga pulitiko ang sagradong paggunita ng Araw ng mga Kaluluwa.

Samantala, patuloy ang pagbuhos ng mga bisita sa loob ng Manila Memorial Park bagama’t nagkakaroon ng manaka-nakang pag-ulan.


Ayon kay Assistant Park Manager Engr. Rizzalyn Acosta, inaasahan nila na aabot sa 800,000 ang mga bisitang papasok sa Manila Memorial Park hanggang sa Linggo, November 3.

Sa ngayon, nagkakaroon na rin ng pagbagal sa daloy ng trapiko sa labas ng Manila Memorial Park.

Facebook Comments