ILANG BISITA SA ROMAN CATHOLIC CEMETERY, PROBLEMA ANG DAANANG NABABAHA PAPUNTA SA MGA PUNTOD

Problema pa rin ng ilang bumibisita sa Roman Catholic Cemetery ang daanang nababaha papunta sa mga puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay.

May ilan na pinipiling magtirik na lamang ng kandila sa chapel sa loob ng sementeryo upang hindi na lumusong kung sakaling may tubig pa rin ang daan.

Ang iba naman ay pinapakiusapan na lamang sa mga kabataang umaakyat at binabayaran upang maitirik ang kandila sa mga puntod.

Samantala, nakiusap ang parokyang may sakop ng sementeryo na gumamit na lamang ng smokeless na kandila na nakalagay sa baso upang makaiwas sa mga aksidente tulad ng sunog at maprotektahan ang kalusugan ng mga bibisita.

Facebook Comments