Ilang biyahe ng barko sa Bicol Region, kanselado dahil sa masamang panahon —PPA

Kanselado ang ilang biyahe ng mga barko ngayong araw dahil sa masamang panahon.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), hindi muna pinabiyahe ang lahat ng fastcraft ng Montenegro Shipping Lines na may rutang Masbate City hanggang Pilar, Sorsogon vice versa dahil sa habagat at Low Pressure Area .

Cancelled din muna ang biyahe ng MV Baleno Star ng Kho Shipping Lines na may rutang Mobo, Masbate – Pasacao, Camarines Sur.

Habang dahil naman sa preventive maintenance kaya hindi nakabiyahe ngayon ang MV Batuan.

Pinayuhan ng Philippine Ports Authority ang mga pasahero na direktang makipag-ugnayan sa kani-kanilang shipping lines para sa iba pang impormasyon.

Facebook Comments