Ilang biyahe ng bus, sinuspinde ng LTFRB dahil sa bagyo

Manila, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang ilang biyahe ng bus dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Maring at Lannie.

Kabilang sa sinuspinde ang kanilang biyahe ay mga bus na ang ruta ay sa Aurora province at Quezon Province.

Sa advisory ng LTFRB, dapat munang manatili sa kanilang mga terminal ang mga bus at dapat mapagkalooban ng pagkain at personal na pangangailangan ang mga stranded nilang pasahero.


Facebook Comments