Ilang biyahe patungong Tuguegarao, kanselado dahil sa sama ng panahon

Manila, Philippines – Patuloy na nadagdagan ang mga kanseladong flight dahil na rin sa nararansang masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) partikular na nadagdag sa cancelled flights ngayong November 6 ang biyahe ng PAL Express *2P 2014/2015 Manila-Tuguegarao-Manila, CEB PAC *5J 504/505 Manila-Tuguegarao-Manila.

Kanina, 4 na biyahe na patungong Basco, Batanes ang kinansela dahil sa masungit na lagay ng panahon.


Pinapayuhan ang mga pasahero na may kanseladong flight na makipag-ugnayan sa Skyjet at Pal Express para sa re-booking o refund ng kanilang pamasahe.

Facebook Comments