Ilang BLACKPINK fans, biktima raw ng #ShopeeScam

168
Courtesy of Shopee

Ibinahagi ng BLACKPINK fans ang kanilang mga storya tungkol sa nangyaring ‘scam’ sa meet-and-greet ng Shopee.

Ayon sa Blinks, gumastos sila ng halos P80,000 hanggang P200,000 para makita sa personal at malapitan ang miyembro ng K-pop girl group na BLACKPINK.


Ang ilan ay nanalo ng ticket ngunit binawi rin agad dahil umano’y sa ‘error’.

Nag-trending sa twitter ang #ShopeeScam dahil sa mga fans na dismayado sa naging kinalabasan ng meet-and-greet.

Ang ilan ay sinabing para lamang sa ‘pribelihiyo’ tulad ng celebrities at influencers.

Sa isang tweet, humingi naman ng paumanhin ang Shopee sa naging anumalya at susubukang ayusin ang nangyari.



Facebook Comments