ILANG BOAT OPERATORS AT MANGINGISDA SA PATAR, BOLINAO, NABAHAGIAN NG MGA BANGKA SA ILALIM NG DOLE LIVELIHOOD PROJECT

Tinanggap ng Patar Boat Operators at Fisherfolks Association ang iba’t-ibang klase ng bangka bilang tulong pangkabuhayan sa ilalim ng DOLE Assisted Livelihood Project.

Malugod na tinanggap ng mga benepisyaryo ang dalawang crystal clear kayak, banana boat at 5-8 seater double engine wooden motorized bangka.

Layunin ng proyekto na mabigyang suporta ang malagong turismo sa lugar upang matulungan ang mga benepisyaryo na kumita ng doble nang di kinakailangang lumayo sa kanilang komunidad.

Sa datos ng Bolinao Tourism Office, mas tumaas ang bilang ng naitalang tourist arrivals sa Brgy. Patar mula Enero hanggang Abril ngayong taon na nasa 333, 688 kung ihahambing sa 276,439 tourist arrivals noong 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments