ILANG BOTANTENG DAGUPEÑO, HINDI PA RIN DESIDIDO SA KANILANG IBOBOTO PARA SA HALALAN 2025

Tatlong araw bago ang eleksyon, ilang mga Dagupeño ay hindi pa rin desidido sa kanilang ibobotong kandidato.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM News Dagupan, hindi pa umano malinaw para sa kanila kung sino ang karapat-dapat na iboto, habang ang ilan naman ay hindi pa makumpleto ang listahan ng mga nais nilang mailuklok.
Ayon sa isang tricycle driver, nakasalalay sa bawat botanteng Pilipino ang kinabukasan ng bayan, kaya’t mas mainam na piliing mabuti ang mga pangalang magsisilbi ng tapat at sapat.
Dagdag pa nito, huwag gawing basehan ang perang natatanggap mula sa mga kandidato, bagkus ay dapat alamin ang tunay nilang hangarin.
Samantala, patuloy ang babala ng COMELEC sa mga kandidatong lalabag sa mga regulasyon ngayong eleksyon na maaaring humantong sa diskwalipikasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments