Ilang brgy. sa Caloocan City, makararanas ng water supply interruption mamayang gabi

Manila, Philippines – Magsasagawa ng Maintenance Activity ang Maynilad sa Cleofer corner Ignacio st. at Reparo road corner Herera st. sa Caloocan City mamayang gabi.

Dahil dito, pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang brgy 159, 160 at 163 simula mamayang alas 10 ng gabi hanggang apas kwatro ng umaga bukas.

Pinapayuhan ang mga residente ng nabanggit na brgy. na mag-imbak na ng tubig dahil posibleng maantala ang pagpapanumbalik nito.


Facebook Comments