Ilang “Build Build Build” projects, inaasahang matatapos na ngayong taon

Manila, Philippines – Inaasahang matatapos na ngayong taon ang ilang proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build infrastructure program ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Build, Build, Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo – ang North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link mula Caloocan City hanggang Valenzuela City ay binuksan na sa mga motorista.

Sa Disyembre, inaasahang mabubuksan na rin ang second phase ng proyekto na papuntang port area sa Maynila.


Ang biyahe mula port area papuntang NLEX o vice versa ay magiging 15 minuto na lamang at 70% ng mga truck ay inaasahang gagamitin ito.

Dagdag pa ni Lamentillo – ang harbor link ay ikokonekta sa NLEX-SLEX connector sa Caloocan interchange.

Ang NLEX-SLEX connector naman ay i-uugnay sa Skyway Stage 3.

Ang Laguna Lake Expressway ay inaasahang matatapos sa ikalawang kwarter ng taon.

Makukumpleto naman sa Hunyo ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Pagtitiyak pa ni Lamentillo buong bansa ang makikinabang sa maambisyosong infrastructure program ng Duterte administration.

Facebook Comments