
Tigil ang operasyon ng ilang bus company na bumibiyahe patungong Bicol bukas, December 24.
Sa abisong inilabas ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), sinabi ni PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa na kabilang sa mga may tigil-biyahe ang Cagsawa, RORO Bus, at Raymond Transport.
Limitado naman ang biyahe ng Philtranco at Amihan bukas.
Samantala, tentative kung bibiyahe pa ang mga bus company na Belleza at M. Victoria.
Hindi rin operational ang biyahe ng Diamond Star at Eastern Goldtrans, habang limitado ang biyahe ng Philtranco patungong Visayas at Mindanao.
Ayon pa sa abiso ng PITX, limitado rin ang biyahe patungong Mindoro ng OM Trans at RORO Bus, at sa umaga lamang mayroong biyahe ang mga ito.
Habang limitado rin ang biyahe patungong Batangas ng ALPS.
Hindi naman apektado ang ilang biyahe patungong Laguna, Cavite, at lalawigan ng Quezon.









