Halos dalawang linggo bago ang Semana Santa, hindi pa rin ramdam sa ilang bus terminal sa Dagupan City ang dagsa ng mga pasahero para sa nalalapit na Semana Santa ngayon taon.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Carlito Alcantara, Master Dispatcher ng isang bus terminal sa Dagupan City, sinabi nito na medyo kakaunti pa ang mga pasahero ngunit inaasahan umano nila na sa araw ng March 29-30 ay mararamdaman na ang pagdami ng mga pasahero.
Dahil dito nagpaalala ang opisyal na agahan na umano ang pagkuha o pagbili ng ticket para sa kanilang mga itinerary upang hindi na mahirapang pumila sa mismong araw ng kanilang pagbiyahe at upang hindi na ma-delay para makarating agad sa kanilang mga destinasyon.
Samantala, dahil sa nalalapit na Mahal na araw ay puspusan na rin umano ang kanilang paghahanda gaya na lamang ng pagkukundisyon sa kanilang mga bus na bumabiyahe kung ito ay nasa mabuting kondisyon o maintenance, gayundin sa masusing briefing sa kanilang mga driver at konduktor at pagmonitor sa kanilang mga health condition.
Dagdag pa nito, wala naman daw dapat ikabahala ang mga pasahero dahil sapat naman umano ang kanilang mga pampasaherong bus at layunin ng kanilang paalala ay upang makatulong sa mga pasahero sa kanilang pagbiyahe. |ifmnews
Facebook Comments