Inaasahan na ng ilang bus terminal sa Metro Manila ang pagdagsa ng pasahero sa darating na Miyerkules o bago mag-Huwebes Santo.
Ayon sa ilang bus operator at driver, halos ang iba raw kasi ay may pasok pa at hinihintay pa ang mismong araw ng holiday.
Aminado naman ang ilang pamunuan ng terminal na mas marami ang mga nag-uuwian ngayon simula pa noong nakaraang linggo, kompara noong kasagsagan ng paghihigpit dahil sa COVID-19 o noong mga nakaraang taon.
Handa naman ang mga terminal, na mag-accommodate ng mga pasahero magsisiuwian simula ngayong araw maging sa pagbalik ng mga ito sa Metro Manila.
Patuloy naman ang paalala sa ating mga pasahero na magbaon ng mahabang pasensya dahilan na rin sa kaliwa’t kanan na ang umuuwi para sa Holy Week.
Facebook Comments