Ilang business establishments na lumabag sa minimum public health protocols ng DOH, ipinasara ng BPLO ng Antipolo City

Agad na ipinasara ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng Antipolo City ang ilang business establishments na nahuli sa aktong lumalabag sa mga ipinatutupad na minimum public health protocols ng Department of Health (DOH).

Sa social media ni Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares, kahapon ay nagsagawa ng surprise inspection ang mga official at tauhan ng BPLO sa kahabaan ng Manuel Luis Quezon Street, Antipolo City sa lalawigan ng Rizal, kung saan nagulat ang ilang mga negosyante nang mahuli sila sa akto na walang face masks, hindi nakakasunod sa physical distancing, walang ginagamit na thermal scanners, walang sanitizers at disinfectants.

Dahil dito agad na pinasara ng BPLO at nilagyan ng paskil na may nakasaad na “This establishment is closed by the City Government of Antipolo”, ang mga pwesto ng Rice Wholesale and Retails, Cassielle Bakeshop, Palawan Express Pera Padala at Green Wealth Poultry Farm Supply.


Dagdag pa ni Mayor Ynares na hindi na nila pinagmulta ang mga pinasarang violators at papayagan lamang silang makapag-operate muli kung mapapatunayang kaya na nilang sumunod sa mga health and safety protocols ng DOH.

Facebook Comments