Ilang byahe ng PAL patungong Iloilo, kanselado dahil sa runway overshoot ng isang eroplano ng Cebu Pacific

Manila, Philippines – Bunsod ng nangyaring runway overshoot na kinasangkutan ng isang eroplano ng Cebu Pacific kagabi.

Kinansela narin ng Philippine Airlines ang ilan nilang byahe ngayong araw (Oct. 14) dahil sa runway closure sa Iloilo Airport.

Kabilang dito ang


1. PR 2139/2140 MNL/ILO/MNL

2. PR 2141/2142 MNL/ILO/MNL

3. PR 2143/2144 MNL/ILO/MNL

4. PR 2380/2381 CEB/ILO/CEB

Sa abiso ng PAL ang mga apektadong pasahero ay maaaring pagpa-rebook at magpa refund sa loob ng 30 araw na walang rebook o refund charges.

Sa ngayon dahil nasa Iloilo Intl airport runway parin ang nabalahaw na eroplano ng Cebu Pacific magbabalik sa normal na operasyon ang mga byahe ng eroplano sa nasabing paliparan kapag natapos na ang clearing operations.

Facebook Comments