Humabol pabalik ng Maynila ang ilang pasahero nitong weekend sa mga bus terminal sa Dagupan City, kahit isang linggo na ang lumipas mula sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Marami sa mga pasahero ang sinulit ang kanilang bakasyon at piniling bumyahe pabalik ng trabaho sa weekend upang maiwasan ang dagsa ng tao noong mga unang araw ng Enero.
Ayon sa ilang byahero, mas praktikal para sa kanila ang bumyahe ng linggo upang magkaroon ng mas komportableng biyahe at maiwasan ang siksikan.
Samantala, patuloy ang pagbabantay ng mga bus terminals sa kondisyon ng kanilang mga sasakyan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga destinasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments