
Kinumpirma ng Senate Committee on Foreign Relations ang pagdalo ng ilang cabinet member sa pagdinig tungkol sa naging pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa official guest list na inilabas ng komite ni Senator Imee Marcos, kumpirmadong haharap mamaya sa imbestigasyon si Justice Secretary Boying Remulla, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Philippine National Police and Criminal Investigation Detection Group Director PMGen. Nicolas Torre III ang pagharap sa pagdinig.
Samantala, wala pang kumpirmasyon kung dadalo sa pagdinig sina Defense Secretary Gibo Teodoro at National Security Adviser Eduardo Año.
Wala ring kumpirmasyon pa kung pupunta rin dito sa Senado si Vice President Sara Duterte.
Gaganapin ngayong ala-1 ng hapon ang ika-3 hearing ng mataas na kapulungan tungkol sa pag-aresto kay FPRRD.









