Ilang CAFGU Member ng 95th IB, Binigyan ng Parangal

Cauayan City, Isabela- Binigyan ng parangal bilang pagkilala ang ilang kasapi ng CAFGU Active Auxiliaries (CAAs) ng 95th Infantry Battalion, Philippine Army dahil sa kanilang ipinakitang Kabayanihan noong kasagsagan ng malawakang pagbaha sa lambak ng Cagayan dulot ng Bagyong Ulysses.

Pinangunahan ni Lt. Col Gladiuz Calilan, Commanding Officer ng 95th IB ang paggawad ng parangal sa mga CAAs ng 95IB sa mismong araw ng kanilang pagtatapos sa Refresher Training na naganap sa Headquarters ng Salaknib Battalion, Barangay Zone 1, San Mariano, Isabela.

Ang mga CAFGU Active Auxiliaries (CAAs) ay mga naatasan na magbantay sa mga sakop na barangay upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.


Facebook Comments