Ilang celebrities, nagbigay ng twitter reaction tungkol sa Resorts World Attack

Manila, Philippines – Nagbigay ng pakikiramay at dasal ang ilang celebrities kaugnay sa nangyaring insidente sa Resorts World Manila kahapon.

Si Black Eye Peas singer Apl De Ap ay nanawagan sa mga masasamang loob na huwang sirain ang bansa na kanyang minamahal.

Bukod dito, may hashtag pa si apl na #PrayForManila.


Niretweet naman ito ng hollywood star na si Josh Dummel kung saan may caption naman itong ‘Prayers for my Pinoy friends’.

Sabi naman sa tweet ng singer na si Christian Bautista na huwag nang magpakalat ng takot.

Dagdag pa ni Christian, mas mainam na magkapit-bisig ang bawat isa sa pagdadasal.
DZXL558

Facebook Comments