Ilang celebrity, ibinahagi ang kanilang New year’s wish

Ibinahagi ng ilang celebrity ang kanilang wish para sa taong 2021.

Isa sa wishlist ni Pambansang Bae Alden Richards ang pagkakaroon ng international acting jobs o makatrabaho ang ilang international actors.

Say ni Alden, gusto niyang ipakita sa buong mundo na may ibubuga siya pagdating sa pag-arte.


Isang bagong bahay naman ang hiling ng komedyanteng si Kiray Celis na itatayo sa kabibili lamang nitong lote.

Patuloy na maging isang ‘happy family’ sa pagpasok ng 2021 ang tanging wish ng anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na si Mavy Legaspi.

Samantala, tulad ng New Year’s wish ng marami, wish din nila Ashley Ortega, Christian Bautista, Andre Paras at Althea Alban na matapos na ang COVID-19 pandemic at makabalik na ang lahat sa normal.

Facebook Comments