Ilang Chinese Filipino, nag-anunsiyo ng walang pasok

Ilang Chinese-Filipino schools sa lungsod ng Maynila ang npag-anunsyo ng “walang pasok”.

Ito ay bilang precautionary measures sa kasagsagan ng isyu ng 2019 Novel Coronavirus, bagama’t wala pang kumpirmadong kaso ng sakit sa Pilipinas.

Kabilang na sa mga paaralan na walang pasok ay ang Uno High School sa Tondo, na nagdeklara ng suspensyon ng klase “indefinitely” simula ngayong araw para makakalap ng mga impormasyon sa mga estudyante nito na pawang Chinese-Filipino.


Aalamin ng eskwelahan ang ilang mahahalagang detalye gaya ng travel history ng mga mag-aaral at kahit mga staff.

Noong Enero a-bente singko ay ipinagdiwang ang Chinese New Year, kaya maaaring nagbakasyon sa ibang bansa ang mga estudyante at mga school personnel.

Pati ang mga estudyante na galing sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng 2019 N-CoV tulad ng China, maging ang mga nagpunta sa Boracay ay pinapayuhang huwag muna pumasok at sumailalim sa self-quarantine.

Tiniyak naman ng Uno HS na “excused absent” ang mga mag-aaral at hindi makaka-apekto ito sa kanilang grado.

Kaugnay nito, narito pa ang mga paaralang #WalangPasok ngayong January 27.

– Chiang Kai Shek College (Tondo)

– Hope Christian High School (Tondo)

– St. Stephen’s High School (Tondo)

– Philippine Cultural College (Tondo)

– Tiong Se Academy (Binondo)

– Lorenzo Ruiz Academy (Binondo)

– St. Jude Catholic School (San Miguel)

Pinapayuhan naman ang lahat na mga estudyante at mga empleyado na tawagan ang kani-kanilang paaralan para sa pinakahuling update.

Facebook Comments