Ilang Chinese POGO workers, patuloy sa pagdagsa sa NAIA departure area

Patuloy ang pagdagsa sa NAIA 1 Departure Area ng Chinese nationals na empleyado ng nagsarang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon sa isa sa kanilang handler na tumangging magpabanggit ng pangalan, ilan sa mga Chinese workers na umaalis ng bansa ay lumipat sa Cambodia at Dubai.

Gayunman, patuloy aniya ang operasyon ng ilang Chinese POGO sa bansa bagama’t marami rin ang nagsara.


Nagbawas lamang aniya sila ng mga tauhan matapos na malugi ang operasyon ng kumpanya dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments