Nananatiling positibo sa red tide toxin ang katubigan sa Pilipinas.
Batay sa datos na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kinabibilangan ito ng;
Coastal waters sa Dauis at Tagbilaran City sa Bohol;
Villareal, Cambatutay, at San Pedro Bays sa Western Samar;
Carigara Bay at coastal waters ng Leyte sa Leyte;
Matarinao Bay sa Eastern Samar;
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur;
at Lianga Bay sa Surigao del Sur
Ang mga lamang-dagat sa lugar na nagpositibo sa red tide ay ang shellfish, alamang na nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o isang toxic red tide na lampas na sa regulatory limit.
Sa kabila nito, ipinaalala naman ng BFAR na ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimangong nahuhuli sa lugar dahil nililinisan naman itong maigi bago mailuto.
Maliban sa mga nabanggit na lugar, binabantayan din ng BFAR sa posibleng red tide toxin ang mga coastal waters sa Baroy sa Lanao del norte; coastal waters sa Daram Island, Maqueda, at Irong-Irong Bays sa Western Samar; maging ang Cancabato Bay at Tacloban City sa Leyte.