Ilang commuter group, nagpasaklolo na sa mga senador dahil sa 3 Strike Policy ng TRB sa mga insufficient balance ng RFID

Sumulat na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) kay Senator Grace Poe para na imbestigahan ang 3 Strike Policy na ipatutupad ng Toll Regulatory Board (TRB) sa mga Radio Frequency Identification (RFI) na insufficient balance.

Sa kanyang liham, sinabi ni LCSP President Atty. Ariel Inton, dapat umanong panghimasukan na ng Senado ang kautusan na ito ng TRB.

Paliwanag ni Inton, simula sa Mayo 15, 2021, epektibo na ang kautusan ng TRB na naglalayong hulihin ang mga motorista na walang sapat na pondo sa kanilang RFID.


Sa ilalim ng polisiya, ang unang lalabag ay bibigyan ng warning, sa ikalawang paglabag ay iisyuhan ng ticket at sa ikatlo ay iisyuhan ng tiket at kukumpiskahin ang lisensya.

Dagdag pa ni Atty. Inton, hindi dumaan sa public hearing ang kautusang ito.

Bukod dito marami na umanong reklamo ang hindi naman nabibigyan ng solusyon ng TRB.

Facebook Comments