
Umapela ang ilang commuter group na ilabas na lamang ang fuel subsidy sa mga Public Utility Vehicles (PUVs) na patuloy na nahihirapan bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis sa merkado.
Ayon kay Laywers for Commuters Safety and Protection (LCSP) President Atty. Ariel Inton, nakapaglabas na noon ng certificate ang Department of Energy (DOE) na magbubukas sana ng daan para sa distribusyon ng tulong matapos itong kumpirmahin ni dating Transportation Assistant Secretary at Spokesman Mon IIagan.
Pero hindi na natuloy ng pamahalaan ang pamamahagi ng subsidy matapos ang pagkalma ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel dahilan para bahagyang bumaba ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Kaugnay nito, makikinabang ang mga kolorum kung sakaling mapayagan ang dagdag-pasahe sa lahat ng mga PUVs.
Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act, may inilaan na P2.5-B pondo para sa fuel subdsidies sa mga sektor ng transportasyon kabilang ang mga PUV, taxi, tricycles, pati na rin ride-hailing at delivery services sa buong bansa.









