Determinado ang pamahalaan na resolbahin ang mga concern hinggil sa paghahanda ng mga eskwelahan para sa maayos na pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.
Mula sa orihinal na August 24 ay inurong ng Department of Education (DepEd) sa October 5 ang pagbubukas ng klase alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, gagamitin ng DepEd ang mahabang panahon para tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at guro sa paghahanda sa alternative learning method.
Dagdag pa ni Nograles, ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit na probinsya ay isa sa pangunahing dahilan ng pagpapaliban ng pagbubukas ng klase ngayong buwan.
Maraming hamon ang kinahaharap ng DepEd lalo na sa pagpapadala ng learning modules sa mga estudyante na nakatira sa MECQ areas.