Ilang Consular Offices ng DFA, magbubukas na sa lunes

Ilang Consular Offices (COs) ng Department of Foreign Affairs ang magbubukas na sa lunes, May 4, 2020.

Kabilang dito ang DFA Consular Offices sa Cotabato, La Union, Puerto Princesa, Santiago, at Tuguegarao.

Ang iba namang Consular Offices ay mananatiling sarado hanggang matapos ang Extended Community Quarantine (ECQ).


Nananatili namang bukas ang Consular offices ng DFA sa Visayas at Mindanao tulad ng Butuan, Dumaguete, General Santos, Tacloban, at Clarin.

Ang Consular office naman sa Misamis Occidental ay nasa ilalim ng modified General Community Quarantine (GCQ) hanggang sa May 15,2020.

Ang ilan din COs sa Visayas at Mindanao ay may skeleton workforces na pinaiiral.

Facebook Comments