Ilang consular offices ng DFA na nasa ilalim ng GCQ, maaari nang magbukas

Maaari nang buksan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang ilan nilang mga tanggapan sa mga lugar na isasailalim sa General Community Quarantine o GCQ ng pamahalaan dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Kaugnay nito, papayagan na ng DFA consular offices na nasa ilalim ng GCQ na tumanggap ng ilang indibidwal para sa passport application.

Subalit magkakaroon ng ilang pagbabago sa protocol sa pagtanggap ng mga aplikante sa mga naturang consular offices na nasa GCQ.


Kabilang dito ang mahigpit na pagpapairal ng physical distancing kahit pa naka-GCQ ang sitwasyon upang masiguro ang kaligtasan ng bawat aplikante maging ng ilang mga empleyado ng DFA.

Humihingi naman ng pang-unawa ang DFA sa publiko hinggil sa mga gagawing pagbabago sa kanilang protocol sa pagpunta sa mga consular offices.

Facebook Comments