Ilang Cordillera groups, nagkasa ng kilos-protesta sa Kamara; nananawagang proteksyunan ang kanilang karapatan sa sariling lupa

Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo mula Cordillera sa harap ng House of Representatives ngayong umaga.

Kung saan nanawagan ang grupo ng kanilang proteksiyon sa karapatan ng Indigenous Peoples at itigil ang sinasabi nilang state at corporate attacks sa rehiyon.

Pinangungunahan ng mga kababaihan at komunidad na apektado ng pagmimina sa rehiyon, mga proyektong pang-enerhiya, at umano’y paglabag sa karapatang pantao.

Plano ng grupo na makipagpulong sa mga mambabatas para isumite ang kanilang mga petisyon at dokumentasyon ng mga umano’y paglabag.

Hinaing nila na pinabilis umano ng mga bagong polisiya sa pag-alis ng moratorium sa mining agreements, pagtanggal ng open-pit mining ban, at pagpayag sa 100% foreign ownership sa renewable energy projects na naging dahilan ng pagpasok ng malalaking minahan at energy projects sa kanilang mga lugar.

Isiniwalat din nila ang umano’y pag-isyu ng mining permits sa Kalinga, Abra, at Benguet nang walang tunay na Free, Prior and Informed Consent (FPIC).

Pati na rin ang banta ng privatization ng Baguio Public Market na maaaring magdulot ng displacement sa mga lokal na vendor doon.

Samantala, sinabi ng grupo na nagpapatuloy ang pangha-harass, red-tagging, at trumped-up charges laban sa mga aktibista at lider-kababaihan na nangunguna sa mga pagtatanggol sa kanilang lupang ninuno.

Facebook Comments