Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang ilang test kit para sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 para sa commercial use.
Ayon sa FDA, ito ay ang nucleic acid detection kit for 2019 nCoV mula sa Shanghai, China, Novel Coronavirus 2019; nCoV nucleic acid detection kit mula Beijing, China, all plex TM 2019 nCoV assay na ang manufacturer mula sa Seoul, South Korea, at SolGent DiaplexQ Novel Coronavirus detection kit mula naman sa Daejeon, South Korea.
Ayon sa FDA, ang mga nasabing kumpanya ay pawang nakasunod sa hinihinging requirements.
Pero paglilinaw ng FDA, ang mga test kit na ito ay PCR based reagent kits na ginagamit sa mga laboratoryo at hindi do-it-yourself kits.
Kaugnay nito, nagpaalala naman si FDA Director General Eric Domingo sa publiko na maging maingat sa posibleng pagkalat ng mga pekeng COVID-19 test kits na hindi aprubado ng FDA.