Ilang COVID-19 ward sa mga ospital, isinara na dahil sa pagbaba ng kaso ng virus

Isinara na ang ilang COVID-19 ward sa ilang ospital dahil sa pagbaba ng kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Sa East Avenue Medical Center sa Quezon City, tatlo na lamang ang bukas nitong COVID-19 ward mula sa dating lima.

Nasa 20 hanggang 30 pasyente na may COVID-19 na lamang ang ginagamot sa kanilang ospital na malayo sa dating 100.


Samantala, nabawasan na rin ang bilang ng mga pasyente sa General Santos City kaya mas gumaan ang trabaho ng ilang health workers.

Facebook Comments