Simula sa susunod na buwan ay magkakaroon na ng “soli-bayad” ang Maynilad para sa mga costumer sa katimugang bahagi ng Metro Manila.
Partikular na makakatanggap ng rebate ay ang mga customer na nakapaloob sa supply zone ng Putatan Water Treatment plant.
Kinabibilangan ito ng Las Piñas City, Muntinlupa City, Parañaque City, at Cavite Province’s Bacoor City, Imus City, Cavite City, Noveleta, at Rosario.
Kaugnay ito ng kautusan ng MWSS na ibalik sa anyo ng “soli-bayad” ang mahigit ₱9-M na multang ipinataw ng MWSS sa Maynilad na nag-ugat sa na-monitor na
water interruption mula May hanggang July 2022.
Dahil dito ay magkakaroon ng bahagyang bawas sa bills ng ilang consumers bilang balik bayad.
Sa October 26 ay isasagawa ng Maynilad ang public information drive sa Philamlife Village Homeowners Association’s Del Rosario Function Hall, Philamlife Village, sa Pamplona, Las Piñas.
Layon ng public information drive na maimpormahan ang mga customer sa detalye ng rebate program.