Umabot na sa 34 katao mula sa Barangay Lasip Grande at Pogo Chico ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan ngayon sa Dagupan City People’s Astrodome.
Kabilang sa mga evacuee ang mga bata at senior citizens matapos lumubog sa baha ang kanilang lugar, kung saan abot-dibdib na ang tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel sa ilog.
Tiniyak ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Nutrition Office, at City Health Office ang pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga evacuee. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









