Sa kakatapos lamang ng State of the Nations Address ng Pangulong Bongbong Marcos Jr., kahapon marami sa mga Pilipino ang nag-abang ng kanyang SONA.
Dito sa Dagupan City, marami sa mga dagupenyo ang nag-abang ng kanyang SONA kung saan sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang Dagupenyo, ay naging kontento ang mga ito sa naging SONA ng Pangulo dahil ito pa lang naman daw anila ang kanyang SONA.
Nabanggit naman ng pangulo ang nais nilang marinig gaya na lamang ng mga presyo ng mga bilihin, sa turismo at sa agrikultura at marami pang iba.
Nabanggit naman ng pangulo ang nais nilang marinig gaya na lamang ng mga presyo ng mga bilihin, sa turismo at sa agrikultura at marami pang iba.
Dagdag pa nito na naniniwala ito na mahahabol ng pamahalaan ang pagbaba ng inflation sa bansa.
Ayon kay Marilyn Casilang, isang Dagupensyong nanood ng SONA nito ay ayos lang naman aniya sa kanya ang naging paglalahad ng report ni PBBM. Naniniwala ito na magkakaroon ng progreso ang Pilipinas sa mga susunod na panahon.
Ayon naman kay Jhonny, isang Dagupeño rin ay lahat naman aniya ng mga pangulo ay may natatanggap na kritisismo, sinabi din nito na lahat ng mga proyekto at programa aniya ang maisasakatuparan kung maniniwala at susuporta ang mga Pilipino sa administrasyon.
Nanawagan naman ang mga ito na sana, sa mga susunod ay mapapakinggan na ang kanilang mga panawagan gay ana lamang ng dagdag sahod upang masustentuhan ng sapat ang kanilang pamumuhay. |ifmnews
Facebook Comments