Nagbabala ang LGU Dagupan City sa patuloy na nararanasang mataas na heat index na maaaring magdulot ng iba’t-ibang sakit gaya ng heat cramps, heat exhaustion, at heat stroke.
Ayon sa alkalde ng lungsod, maaring tumawag agad sa CDRRMO sakaling makaranas ng emergency dulot ng mainit na panahon.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang mga Dagupeños, madalas na pagligo, pag-inom ng tubig, at pagpasyal sa beach ang kanilang paraan upang kahit papano’y maibsan ang nararanasang init.
Saad naman ng isang vendor, na ang pagsusunog ng plastic ang dahilan kaya’t mas lalo umanong tumataas ang init panahon.
Samantala, naitala ng PAGASA Dagupan ang 52°C na heat index na nasa Extreme danger noong nakaraang araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









