Ilang dam sa bansa, malapit ng umabot sa spilling level dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan epekto ng Bagyong Jolina

Manila, Philippines – Malapit nang umabot sa spilling level ang ilang dam sa bansa.

Dahil ito sa patuloy na pagbuhos ng ulan bunsod ng Bagyong Jolina.

Sa pinakahuling datos ng PAGASA, nasa 100.75 meters na o 25 milimeters na lang ang kulang bago umabot sa spilling level ang Ipo dam.


Sakaling magpakawala ng tubig, posibleng bahain ang Norzagaray, Angat, Bustos at bayan ng San Rafael sa Bulacan.

Samantala, 10 milimeters na lang ang kulang sa Ambuklaw dam, 15 milimeters sa Binga dam at 16 milimeters sa Magat dam.

Aurora at Cabanatuan naman ang maaapektuhan kapag nagpakawala ng tubig ang magat.

Facebook Comments